Monday, April 03, 2006

Non-Academic Degree Holders as Non-Citizens?

A very sad story from Tribune: Miriam wants poll bets college degree holders

"Apparently seeking this early to bump off “strong” candidates for it while virtually getting for the administration a foot inside the door in the possibility of the push for the holding of snap elections succeeding, Sen. Miriam Defensor Santiago over the weekend said she will seek under a new Constitution a requirement for candidates in elections to primarily be a four-year course college graduate for those who are not holding such a degree to be barred from running in polls."

This was Miriam's message before her townmates in a commencement exercise held in Iloilo. She argued that the idea behind this proposition is to improve the quality of service of elected officials.

Sabi ni Doy: HUWAATTTT???!!!

Kala ko ba democratic tayo. O elite lang ang democratic?


1. Sino lang ba ang kaya mag-paaral ng four year course? Di ba mga may pera lang?
2. As claimed in the constitution, me free education daw tayo. Elementary at Highschool nga lang wala, college pa kaya?
3. Is degree a pre-requisite for a quality performance of an elective public official? O nabuwang na talaga si Brenda? Si Gloria in the Palace, nag-aral pa sa US, may PhD pa, etc., etc. Pero asan ang quality service niya? Gloria rolling stores? Rice and noodle economics? Gloriagate? Scams? Jueteng in the guise of STL? Ganun ba yun? Si Manang Rose sa probinsiya namin, Grade six lang pero mahal ng mga tao dahil magaling mamuno. Bumilis ang sistema ng serbisyo lalo na sa health and other social services. Naging aktibo rin ang mga mamamayan sa pakikilahok sa mga pam-bayan na gawain. At wala siyang napabalitang scam. GRADE SIX LANG PO SIYA, Miss Miriam!
4. Baka mas maganda pa na requirement e iyong past performance ng kandidato. Kung me napabalitang iskandalo o pangit na ginawa i-bar na lang ng tuluyan sa pagsali sa mga elective positions, mas maganda pa. Si Atty. Greg sa bayan namin, abugado, me PhD pero maraming kaso laban sa kanya, nagkandidato. Sa hindi maintindihan, nanalo. Di naman naging magaling na public official, ah. Si Senadora Santiago, kung kilala mo iyon, Miss Miriam, graduate ng law at iba pang post graduate courses, matalino at mataas ang IQ. Pero naging "uncivilized" daw sa pakikitungo sa ilang raliyista sa bahay niya noong panahon ni Erap. Iboboto ba natin ang ganun? Highly educated nga di naman marunong rumespeto ng karapatang pantao? Constitutionalist pero di naman marunong ng basic right to assemble and air grievance? At isa sa mga pinakamataas ang IQ sa buong mundo pero di naman ata alam ang pinagsasabi? IF alam niya, dapat siguro alam niya rin na (inglisin natin baka di maintindihan pag tagalog) "
restricting citizens who failed to finish a four-year course from running in elective posts means removing from them the right to be elected. Doing so means curtailing them their rights as citizens. And curtailing them their rights as citizens means de-citizenizing them". Teka, me word bang 'de-citizenizing'? Ah, ewan. Ang alam ko di ko kasi ka-level si Sen. Santiago dahil ako'y isang hamak na tambay lamang. Pero kahit na, alam ko pa rin na kung ipatupad ni Santiago ang binabalak niya, tinatanggal na rin niya ang pagiging mamayan ng mga di nakapagtapos sa isang demokratikong bansa.


PS: Kung ang pulis me requirement daw na dapat graduate ng four-year course, ganun din daw dapat ang mga nagnanais kumandidato. Ganun? Eh di pala dapat requirement ang four-year course kasi nga me mga pulis nga na me masteral na at college of law units, epal naman o kaya kurakot. Di tulad ni Tatay Kulas. High School lang. PO1. Pero mahal ng bayan kasi sa tanda na niya sa serbisyo, di pa siya nasasabit sa scam o kung ano pa mang kabulastugan.

Minsan nagtataka talaga ako, Brenda ba talaga si Miriam?

No comments: