Friday, March 24, 2006

Free media IFF...

According to Toting Bunye, media is as never free as they are today.


Sabi ni Doy: HUUWATTTTT????


Sabagay, me ponto rin si Toting. Media is free on the condition that one should not be critical to the administration of Gloria in the Palace. And it is a very clear rule.

Otherwise:

  1. Malacanang will take it over kahit walang Martial Law. General Order # 5 lang ang katapat niyan.

  2. Siyempre, putol ang advertisements. EO 511 din ang katapat niyan. May theme song pa:

    Killing me Softly

  3. Iba-brand ka na kasapakat ng mga NPA. Presidential Proclamation 1017 naman ang basehan.

  4. Puwede kang ikaso at i-harrass ng tulad ng ginagawa ni Jonathan Tiongco sa PCIJ.

  5. Kung medyo me tuta na nakaharang sa daan (parang Noli De Castrated ba), you will also be pitted against the number 1. In plain words, "isasabong ka!" Parang ABS-CBN versus GMA-7 na boxing round with Gloria in the Palace as the instigator. (Sino kaya ang mina-manage nitong si Gloria in the Palace? Porke ba si un-gentleman mike ginagawang manok si Pacquiao gusto rin ni Gloria in the Palace na meron din siya?)

  6. Pagagalitan ka at ipapahiya sa iba pang media practitioners lalo kung eleksiyon. Tulad nung reporter sa GMA-7 last 2004.

  7. Maaari ka ring mamatay lalo kung tinatahulan mo rin ang kaalyado ni Gloria in the Palace sa baba.

  8. Kung patay ka na, patutulugin din ang kaso mo tulad ng nangyayari ngayon sa kaso ng halos lahat ng journalists na namatay sa administrasyon ni Gloria in the Palace. Lalabas na binaril ka ng multo.... kasi nga walang suspect. o kung nakita man, mahirap hanapin o di mahanap. tulad ng multo na basta na lang lumalabas. hala ka! may momooooo.......

No comments: